Chapter 109 Hindi pa tuluyang humuhupa ang palakpakan nang maramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Papa sa balikat ko. Isang tahimik na senyales—you did well. Ngunit para sa akin, hindi pa ito ang tunay na laban. Ito pa lang ang simula. “Impressive,” mahinang bulong ni Richie sa likod ko. “You didn’t just return… you owned the room.” Bahagya akong ngumiti, pero hindi ako sumagot. Abala ang mata ko sa pagmasid sa paligid. Sa bawat taong lumalapit, sa bawat kamay na gustong makipagkamay, sa bawat ngiting may kasamang interes. Hindi lahat ng nakangiti ay kakampi. “Miss Mondragon,” bati ng isang lalaking nasa mid-50s, may matalim na tingin at may hawak na wine glass. “Welcome back. We’ve heard… quite a lot about you.” “Hopefully, good things,” sagot ko nang may controlled na ngiti. “Of course,” sagot niya, pero may kakaibang himig. “Your comeback is… unexpected.” Hindi ako nagpahalata. “The best things usually are.” Saglit siyang natahimik. Napangiti ako sa loob-loob ko. Isang
Last Updated : 2026-04-26 Read more