Chapter 131 Tahimik akong nakatingin sa city lights habang hawak ang menu. Sa ibaba ng rooftop restaurant, parang hindi natutulog ang Toronto. Sunod-sunod ang ilaw ng mga sasakyan habang ang malamig na hangin ay dahan-dahang humahaplos sa balat ko. Pero kahit ganoon kaganda ang gabi at may kakaibang bigat pa rin sa dibdib ko. “Excuse me, miss?” Napalingon ako nang marinig ang staff na nakatayo sa tabi namin. “Would you like to order now?” Agad namang umayos ng upo si Zahra at isinara ang menu niya. “Yes,” mabilis niyang sagot. “At dahil successful ang deal namin today… I deserve steak.” Napatawa ako nang mahina. “Akala ko ba gutom ka? Bakit parang nagde-deliver ka ng acceptance speech?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Ruth, this is not an ordinary dinner. This is healing with luxury.” Natawa tuloy pati ang waiter habang kinukuha ang order namin. Matapos umalis ng staff, bahagyang sumandal si Zahra sa upuan habang pinagmamasdan ang skyline. “Grabe,” mahina niyang sabi.
最終更新日 : 2026-05-20 続きを読む