Chapter 112 Kinabukasan ng umaga, hindi ko inaasahan na may bibisita sa akin sa mansyon. “Sir, andyan po si Ma’am Ruth sa labas!” sabi ng katulong ko. Napahinto ako sa paghahanda ng gatas. “Ruth…?” mahinang ulit ko, parang hindi pa agad nagsi-sink in. At saka at kasama niya si Gab. Bahagya akong napalingon sa tatlong crib. Tulog ang dalawa, pero ang isa ay gumagalaw na parang magigising anumang oras. “Papasukin mo sila,” sabi ko, mabilis pero kalmado ang boses. “Po, sir.” Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ruth. Naka-simple lang siya, pero hindi maitago ang presence niya. Matapang. Buo. Pero sa mga mata niya may lambot ang kanyang presensya ay may pag-aalala. At sa tabi niya ay si Gab. Mas matangkad na, mas matured, pero sa sandaling iyon… bumalik siya sa pagiging bata. “Dad…” mahina niyang tawag. Parang may kumurot sa dibdib ko. Ngumiti ako, kahit pagod. “Hey… buddy.” Lumapit siya agad at niyakap ako nang mahigpit. At doon ko naramdaman hindi p
آخر تحديث : 2026-04-27 اقرأ المزيد