Chapter 63 “Go ka muna kay Ate Jenny mo,” sabi ko habang inaayos ang kwelyo ng polo niya. “At mamaya tatawag si Ate Ella mo doon sa Macau. Miss ka na daw niya, anak.” Ngumiti si Gab sa sinabi ko. “Really? Ate Ella miss me?” excited niyang tanong. “Yes,” natawa ako. “Sabi niya, you didn’t even say goodbye properly last time.” Nagkunwari siyang nag-isip. “I was busy,” seryoso niyang sagot, dahilan para mapatawa ako. “Busy doing what?” tanong ko. “Being handsome,” sagot niya nang diretso. Napailing ako habang pinipigilan ang tawa. “Okay, Mr. Handsome, go to Ate Jenny muna. Mommy will finish something.” “Okay, Mommy!” Tumakbo siya palabas ng silid. Saglit akong napatingin sa pintuan pagkatapos niyang umalis.Sa Macau, ilang taon din kaming nanirahan doon. At Doon ko binuo ang mundo naming dalawa na malayo sa mga tanong, malayo sa nakaraan. Si Ate Ella ang naging malaking tulong sa akin noon. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Maraming taong
Last Updated : 2026-03-03 Read more