“WALANGHIYA kang lalaki ka! Pinapahirapan mo ba talaga ako ha?! Bakit hindi na lang ‘yong Secretary mo ang magbigay sa'yo nito!” sigaw ko. Dahil sa sobrang inis ko hinagis ko sa dibdib niya ang mga papeles na nalaglag sa sahig. B’wisit! Nangingilid na ang mga luha ko sa pinag halo-halong emos’yon. Inis, galit, paghihinayang, pagod, at frustrated. Payak akong natawa nang may naalala ako. “Ay Oo nga pala! Anong karapatan kong magreklamo, eh P.A mo lang naman ako at sinasahuran mo lang.” “Kath--” “Tutal nandito na naman din lang ako, iisipin ko na lang na personal kitang pinuntahan dito sa LONDON para magpaalam na uuwi muna ako sa probinsya namin dahil na ngako ako sa kapatid ko na uuwi ako ngayon para kinabukasan ay mapanood ko siya, ‘di ba day off ko naman bukas? Iisipin ko na lang na hindi ako pagod na hindi ako nakakaramdam ng gutom,” mapait akong ngumiti. "Hayan na ang mga papeles mo at nakapag paalam na ako sa'yo ng maayos. P’wede na naman na
Terakhir Diperbarui : 2025-10-31 Baca selengkapnya