Mukhang masaya naman si Xian dahil tumatawa pa siya sa babaeng kasama niya at parang nakalimutan na talaga niyang kasama niya ako. Sige lang tumawa ka lang nang tumawa d'yan. Yari ka sa akin mamaya. Ang landi-landi mo talaga!"Mukhang iba na ang magiging ka-partner ng asawa mo?"Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses at si Sean 'yon na may ngisi sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay."Nang-aasar ka ba?" inis kong tanongTumawa lang siya na parang may nakakatawa."Ang cute mo pa rin talaga kapag naiinis ka, namiss talaga kita," sabay pisil sa magkabilang kong pisngi.Tinampal ko ang kamay niya dahil sa inis."Ang sungit mo naman pangga.""Tigil-tigilan mo ako Sean hindi mo na ako pangga at isa pa, may girlfriend ka na," nag cross-arm pa ako."Sino?""'Yong kasama mo.""Hindi ko siya girlfriend, pinsang pangalawa ko siya. Gusto niyang sumali sa patimpalak kaya pinagbigyan ko na.""'Di ba sabi couple lang daw?" takang tanong ko.Nagkibit-balikat lang siya."Well, sabi niya okay lang na ma
Read more