“Nasaan ba si Kuya Kiko mo?” tanong ko. “May klase po siya at may exam kaya hindi po siya nakanood pero hinatid naman niya po ako.” “Eh, si ate Kate mo?” “Gano’n din po.” “Aww... Buti na lang ay dumating ako,” sabi ko ‘tsaka ko siya hinalikan sa gilid ng noo. Bumaling na ako paharap at titig na titig lang si Xian sa aming magkapatid. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya ipakilala kay Kathy. “Kathy, this is my boss, Sir Xian. Boss Xian this is my amazing baby. Kathy,” pagpapakilala ko. Ilang segundong natahimik ang dalawa bago si Xian nagsalita. “Hello, baby. Ang galing mo kaninang sumayaw ah,” nakangiti sabi niya at halatang ‘di pa rin nakaka move-on sa sayaw ni Kathy. Nagpababa si Kathy sa akin akala ko kung ano ang gagawin niya pero laking gulat ko nang magpabuhat siya kay Xian na ikinagulat niya rin. “Hello po kuya Xian. Salamat po,” bibong sabi niya nang buhatin siya ni Xian na may ngiti sa labi. Habang ako naman ay nakanga
Last Updated : 2025-11-01 Read more