-Hariette-Habang paakyat ang elevator, biglang namasa ang mga kamay ko. Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung anong ipapagawa sa akin ni Celeste kapalit ng paglaya ni Justin. Sana wala siyang hilinging kapalit, isa man sa mga nabanggit ni Tito Norman.May mga pumasok sa elevator galing fifth floor kaya napasiksik ako sa likod. Tatabi sana ako kay Tito Norman, pero biglang umusod ang lalaking naka-suit kaya tumama ang likod ko sa dibd!b niya. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil natapakan ko ang paa niya. “Hey, careful.” sambit niya sa baritonong tinig.Nang mapahawak siya sa bewang ko, parang napapasong lumayo ako sa kanya. “Sorry.” hinging-paumanhin ko dahil sa pagtapak ko sa makintab niyang sapatos.Hindi naman niya ako pinansin. Napalingon ako kay Tito Norman, at nakita kong abala siya sa pagtype sa kanyang phone, pero alam kong nakikiramdam siya sa paligid.Nang magtama ang mga paningin namin, kumindat siya sa akin. Isang irap naman ang isinagot ko sa kanya. Gusto kon
Last Updated : 2026-02-12 Read more