Eliana Grace Herrera Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman o iisipin ko matapos kong makausap ang mismong lalaking nag-hire sa akin bilang surrogate niya. Base naman sa kanyang boses ay hindi naman siya mukhang matanda, actually sa boses pa nga lang niya parang hindi naman kami nagkakalayo ng edad, o baka imahinasyon ko lang ang bagay na iyon. Pero kung meron man akong sigurado sa pag-uusap namin kagabi, iyon ay kung gaano siya nakakatakot.Hindi pa man kami nagkikita at tanging sa telepono lang nag-uusap, ramdam ng bawat bahagi ng aking katawan ang kaba lalo na nang tanungin niya ako tungkol sa aking pagbubuntis at sa trabaho. Pero ano pa nga bang magagawa ko eh sa totoong hindi ko kayang gamitin ang perang kanyang ibinibigay para buhayin ang mga kapatid ko. Meron pa naman akong konting ipon ngayon at iyon na lang muna siguro ang aking pagkakasyahin. Sa susunod na tawag niya sa akin ay papakiusapan ko na lang siguro si Theo na kahit ilang buwan lang ay magtrabaho ako, hindi ko
Last Updated : 2025-11-11 Read more