YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA Gabi na pero hinihintay ko parin si Killian kasi pupunta kami sa kaarawan ng sinasabi nitong si Vladimir. Pero hindi pa naman kami late kaya ayos lang naman, kaso kanina pa kasi ako nag hihintay ang sabi niya paalis na siya sa opisina. Nang may marinig akong sasakyan agad akong tumayo at nag tungo sa malaking pinto. Agad akong naging pamilyar sa sasakyan. “Mabuti naman nakarating kana..” bungad ko dito. Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko at inabot ang isang bouquet of red roses sakin. “Nag hanap kasi ako nito..” wika nito. Ngumiti ako at tinanggap ko ito. “Thank you, ang ganda..” papuri ko at pasasalamat ko dito. “You’re always welcome, wait me inside I’ll change my clothes..” paalam nito pero hindi ko pinansin ito at sumunod na lang papasok. “Manang? Asan yung extrang vase po?” Magalang kong tanong. “Nasa gilid malapit sa rice cooker..” sagot nito, agad ko naman natanaw binaba ko ang bulaklak at nilagyan ko ng tubig
Read more