KILLIAN REXANDER MORELLI - AZALEANO Napa lingon ako kay Flame naka tayo lang ito sa gilid dahil pag gising namin ng umaga nandito si Renia at ang ina nito. “Ano ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong. “Gusto niya humingi ng tawad, dinala ko sila dito upang mag usap kayo. Nasa sa inyo ng dalawa ang desisyon.” Sagot ni Flame at hindi ko maiwasan hindi magulat. Ang asawa ko naman tila walang pakialam ito sa nangyayari. “G-gusto ko lang naman mang hingi ng tawad bago ako sumuko sa mga pulis..” napa lingon ako kay Renia. “Sa akin wala na sa akin ang lahat. Hindi mo naman sinaktan ang baby ko at hindi ako marunong mag tanim ng sama ng loob.” Wika ng asawa ko at nakuha pa nito ang ngumuya. “Hon, are you serious? Hindi ka ba nagtataka?” Tanong ko sa asawa ko “May gawin man ako si Miss Flame alam niya pwede niya ako tapusin dito mismo.” Sagot ni Renia. Nilingon ko ito at dahan dahan ito lumuhod. “Patawarin niyo ako, nadala lang ako ng galit ko sa lahat mas lalo na ng selos.
최신 업데이트 : 2026-03-26 더 보기