YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA - AZALEANO “Wow bagay sayo..” papuri ni Jasver sakin. “Bigay ni Miss Flame..” naka ngiti kong sagot at umupo ako sa tabi ng asawa ko. Si Miss Flame naman nakita ko nag luluto ito kasama ang anak niya at pamangkin. “Mama hingi ako nito.” Narinig ko na paghingi ng bata. “Hindi pa ‘yan luto anak, doon ka muna kay Daddy..” utos ni Miss Flame pero umiling ang bata ito yung pangalawang lalaki si Phyrros. “Bagay sayo honey, para ka talagang buntis but still sexy..” papuri ng asawa ko kaya kinilig naman ako. “Thank you, buti nga pumayag na si Miss Flame na suotin ko ang ganda kasi ng tela at ang lambot lambot.” Sagot ko dito. Ngumiti lang ito, at tumayo ako muli at pinanood ko si Miss Flame na mag luto malayo ako dito ng kaunti dahil na rin sa prito ang niluluto nito. Nang maamoy ko ang pritong manok, bigla ako nag laway at gusto ko kumain. Nilingon ko ang asawa ko na nakikipag kwentuhan. Nilapitan ko ito at hinila ko ang braso nito. “Hon? May problem
최신 업데이트 : 2026-03-23 더 보기