YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA - AZALEANO “Yve kumain ka muna..” wika ni Levi. Nilingon ko ito at ang dala nitong pagkain. “Wala akong gana.” Malamig kong sagot. Tatlong araw na ako hindi kumakain, gutom ako pero hindi ko ramdam, gusto ko makita si Killian o maka usap man lang. “Yve, gusto ka lang namin iligtas. Unti-unti ng bumabagsak ang negosyo ng pamilya ko dahil kay Killian. Sana maisip mo ito.” Wika nito. Nilingon ko muli ito. “You knew, na kapag kinuha niyo ako sa kanya lahat ng meron kayo sisirain niya! Alam niyo yun! Kaya huwag niyo sabihin sakin ang bagay na ‘yan kasi alam ninyo pero ginawa parin ninyo!” Pasigaw kong sagot na kina pasok ng mga kaibigan ko at ni Sam. “Ikaw alam mo! Pero ginawa niyo parin, pwede naman ninyo ako hayaan na kausapin siya sumusunod siya sakin, pero hindi niyo ginawa, ngayong nag kaka-gulo na isusumbat niyo sakin ‘yan?!” Galit kong tanong. “Hindi sa ganun Yve. Kailangan namin yun gawin kahit alam na namin ang posible na kahihinatnan ng lahat
최신 업데이트 : 2026-03-09 더 보기