KILLIAN REXANDER MORELLI - AZALEANO Nang magising ang asawa ko agad kong pinakain ito. Saktong gutom na ito, “Hon, dito ka muna titira sa kanila para manatili kang ligtas pati ang anak natin..” wika ko. Nilingon ako nito at nag salita. “Bakit? Ano ba talaga nangyayari?” Tanong sa akin nito. Umayos ako ng upo at hinawakan ko ang kamay nito. “Dahil nag pa-plano si Victor na balikan ako matapos ko kunin lahat sa kanya. Madadamay ka dito, isa pa gusto din siya tapusin ni Flame hindi ko alam bakit wala akong alam sa nangyayari dahil wala din akong karapatan alamin ito.” Paliwanag ko sa aking asawa. Naka titig lang Ito sa akin bago kainin ang sinusubo ko sa kanya. “Kung ganun nasaan ngayon sila Miss Flame?” Tanong naman ulit nito. “Nandito pa sila sa mansion pero abala ito, siya kasi ang nag luluto ayaw nito umasa mas lalo kung nandito naman siya.” Sagot ko sa asawa ko. “Gusto mo ba bumaba?” Tanong ko naman dito at pinunasan ko ang gilid ng labi nito. Tumango lang ito habang ng
최신 업데이트 : 2026-03-24 더 보기