OliverAng pagsisisi ko, parang bakal na nakapatong sa dibdib ko—mas mabigat pa sa nakabibinging katahimikan ng kwartong ito. Kung pwede ko lang ipasa ang buhay ko sa iba, hayaan silang magdesisyon at mag-ayos ng lahat ng kalat ko, gagawin ko sa isang iglap.Sila Papa at Cassy. Ang dalawang poste ng impyernong kinapapalooban ko. Bawat migraine, bawat pisong nilustay ko, at bawat gabing dilat ako, sa kanila lahat bumabalik. Tinatanong na nga ako ng abogado ko kung nagbayad ba ako ng tao para 'itumba' si Cassy dahil dalawang buwan na itong missing. Hindi ko ginawa, pero ang nakakatakot, hindi ako nandidiri sa ideyang iyon. Dapat noon pa, noong kapanganakan pa lang ni Liam, tinapos ko na ang lahat sa kanila. Edi sana, nasa akin pa ang pera ko, ang katinuan ko, at higit sa lahat, ang babaeng nakatayo ngayon sa kusina ko.Miss na miss ko na si Cheska. Yung tipong parang unti-unting nauubos ang dugo ko sa sobrang pangungulila."Dada. Toy."Bumasag sa lamig ang boses ni Liam. Lumapit siya sa
Read more