Cheska Nakatitig lang ako sa asul na box, bago ko ibinalik ang tingin sa laptop screen. Nakikita ko si Mateo na seryosong nakatingin sa akin, tila binabasa ang bawat emosyon sa mukha ko. "Come on, Baby, open it," utos niya. Tumango ako. Pagkabukas ko ng box, napatigil ako. "I can't accept this, Mateo," diretsahan kong sabi sabay sara niyon. "Alam niyo naman kung paano ako sa mga mamahaling regalo, 'di ba?" "Baby—" "No," putol ko habang ibinabalik ang asul na box sa loob ng pulang sparkly box. "Hindi niyo ako pwedeng daanin sa ganito at asahang magiging okay lang ako." "Cheska, listen to me,"
Read more