CheskaSenior Ditch Day.Ang tanging araw sa buong taon na pwedeng—at kailangang—mag-cutting classes ang mga graduating para magpakasaya. Walang prof, walang rules, walang sabit.Pero siyempre, iba ang plano ng apat na lalaki ko."Nandito sila," bulong ni Kai sa tabi ko habang nasa parking lot kami at naghihintay ng masasakyan.Tumingala ako. Isang pamilyar na itim na SUV ang pumarada sa dulo. Masyadong madilim ang tint para makita kung sino ang nasa loob, pero kabisado ko na ang tindig ng sasakyang iyon."Hindi sila dapat nandito," sabi ko, pero hindi ko mapigilan ang pagkurba ng ngiti sa mga labi ko."Student-run 'tong Ditch Day. Walang chaperones, walang matatanda, walang—" Napahinto si Kai nang bumukas ang pinto ng SUV at apat na pigura ang lumabas. "Seryoso ba sila? Naka-civilian clothes?"Oo, seryoso sila. Si Damian, naka-dark jeans at simpleng itim na shirt. Si Oliver, suot ang grey henley na bumabakat sa lapad ng balikat niya. Si Mateo, naka-leather jacket na parang galing sa
Read more