Mateo“Cheska,” tawag ko, pero dumiretso lang siya, nakayuko, abala sa cellphone niya.“Cheska,” ulit ko, mas malakas na ngayon. Doon lang siya tumigil at lumingon sa’kin.“Oh, good morning, Mr. Serrano,” bati niya, puno ng sigla. Tinanggal niya ang isang earbud, sabay ngiti. ’Yung tipong masyadong maaliwalas para sa ganitong oras ng umaga.“Morning. Aga mo ngayon,” sambit ko habang pilit ikinakalma ang sarili ko. Kahit may bahid ng inis sa loob, pinilit kong magmukhang composed.“Naalala ko kasi ‘yung sinabi n’yo last Friday. Sabi ko, siguro nga dapat magbago na ‘ko,” tugon niya, may kumpiyansa sa boses. Tumuwid pa siya ng tayo, parang proud na proud sa sarili.She’s cute.“Good,” maikli kong sagot, sabay tango. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya.Maglalakad na sana siya paakyat ng hagdan, pero muli ko siyang tinawag.“Uhm... how are you?” tanong ko, habang idinantay ang kamay sa railing, bahagyang humarang sa daraanan niya.“Okay naman po, especially for a Tuesday,” sagot ni
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-03 อ่านเพิ่มเติม