“Are you sure dito ka galing?” ani Leslie habang binabagtas ang makitid na daan patungo sa kung saan. “Pasukal na ‘to nang pasukal, a.” “Oo, naaalala ko dito kami dating nakatira,” paninigurado niya. “Dito? As in, sa kagubatan?” Inilahad nito ang kamay sa kanilang nilalakaran. “Hindi ko alam, a, pero parang naliligaw tayo.” “Sshhh..” saway niya rito at kaagad na huminto. Kabado namang napasuyod ng tingin si Leslie sa palibot, nakikiramdam sa paligid. Maya-maya pa ay muli silang dahan-dahan na naglakad, nang maramdaman ni Gabriella na wala na ang mga kaluskos na kaniyang naririnig kani-kanina lang. “Ayokong sabihin, ha, pero parang nahihibang ka na. Sigurado ka ba talagang tama itong tinatahak natin?” nakapamaywang na wika ni Leslie. “Hindi ako nagkakamali. Siguradung-sigurado ako,” bulong niya nang muling huminto at tumingin sa kabigan. “Marami lang talagang nagbago sa lugar na ‘to.” Nilibot niya ng tingin ang paligid. Napabuntong-hininga na lamang si Leslie. “Alam mo,
Read more