“Ano bang balak mo sa kaniya?” “She’s beautiful, I like her. I’ll make her fall in love,” tugon ni Ralph sa mapanlarong mga tingin. Kasalukuyang nakatayo si Gabriella sa sulok ng malalaking figurines malapit sa pintuan at nakikinig sa usapan ng dalawa. Palabas siya ng veranda nang mga oras na iyon upang magpahangin sana, nang marinig niyang may kausap si Ralph sa labas at siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Napa-smirk si Gabriella. ‘Hindi ka magtatagumpay, Ralph sa mga plano mo dahil kahit na kailan hindi mo ako mapapaibig,’ bulong niya sa sarili. Kaagad siyang lumabas. Matamis na nginitian ang mga ito at nagkunwaring walang narinig. “Hello, guys..” “Oh, hi.. ah, Wenard, meet my girlfriend Gabriella. Gabriella, si Wenard pala, matalik kong kaibigan,” saad nito nang ipakilala siya sa kasama ng lalaki. Nakipagkamay siya rito. “Tama ka, dude, maganda nga itong girlfriend mo..” positibong komento naman kaagad ng lalaki nang ngitian siya. He nodded. “Maganda nga iyan, kaya ng
Read more