Isang black car ang huminto sa driveway. Bumaba ang isang lalaking matangkad, broad-shouldered, suot ang itim na jacket.Si Zack.Nanlaki ang mata ni Liana. Sa gilid niya, si Sofia, na kanina lang ay nagpupunas ng cupcake crumbs sa kamay ni Zane, biglang namutla. Tila may bangungot na muling bumalik.“Bes…” pabulong ni Sofia, napakapit sa braso ni Liana. “Hindi niya pwedeng makita si Zane.”Bigla nitong hinila ang anak papasok ng kwarto.“Zane, dito muna tayo,” nanginginig ang boses ni Sofia. “Hide and seek tayo, okay? Secret mission. Bawal maingay, okay?”“Yey, hide and seek!” excited na sabi ng bata.Sumunod din si Riley na tila gustong sumali.“Riley,” bulong ni Liana, sabay tapik sa balikat ng anak. “Samahan mo sila, pero quiet lang, ha?”“Okay, Mama,” pabulong din si Riley.Nang maisara ni Liana ang pinto, lumingon siya sa sala at doon niya nakita si Rafael, sinalubong si Zack.“Raf, may update. May lead ulit si Stella. May new footage sa area ng condo. Kailangan natin puntahan.”
Read more