“Rafael,” sabi ni Charlie, pleasant voice, “alam ko medyo awkward. Pero I hope you understand… we’re building a family. Ako, si Zarina, at si Riley.”Tumigas ang likod ni Liana.Hindi siya kumportable sa word na building a family.Pero kailangan.Para lumayo si Rafael.Para tumigil ang gulo.“Kailangan mo nang umalis,” ani Liana, mas madiin. “Hindi pwedeng ganito, pabalik-balik ka. Ginugulo mo kami,” aniyang pigil ang tinig dahil baka madinig ni Riley na naglalaro sa di kalayuan.“Thirty minutes,” pakiusap ni Rafael, hindi nakatingin sa kanya kundi kay Riley. “Para lang matapos ’yung robot.”“Hindi,” sagot ni Liana agad.At doon, biglang nagbago ang mukha ni Riley na nakalapit na pala sa kanila.“Riley!” masiglang bati ni Charlie, sabay abot ng pastries. “May pasalubong si Tito Charlie!”“Tito, salamat po,” sabi ni Riley, pero ang mata, maluha-luha na.“Mama…” mahina nitong tawag. Tapos, biglang umiyak ang bata, hindi lang iyak, atungal.“Mama,” singhot ni Riley, nanginginig ang boses,
Última actualización : 2026-02-03 Leer más