“Sir Zack, heto po ang approved campaign, paki-check and sign na din po after ninyo i-review. Salamat po,” tawag ni Dean Reyes at inabot ang isang folder.Si Zack lumakad sa tabi ni Sofia, pero parang may invisible shield. Pagdating nila sa clinic, ito ang nagbukas ng pinto.Pagpasok nila, malamig ang clinic, may nurse na nag-angat ng ulo.“Sir Zack?” gulat ng nurse. “May nangyari po ba?”“Please, check her arm,” maikli nitong sagot.Napatitig si Sofia sa sahig.Habang tinitingnan ng nurse ang pasa, napansin ni Sofia na si Zack nakatitig pa rin sa braso niya.Paglabas nila ng clinic, si Zack ang nag-ayos ng sleeve niya.“Sir…salamat po,” halos pabulong si Sofia.Bumalik sila sa Office 308. Pagpasok, trabaho agad. Papel. Folders. Schedules.Pero para kay Sofia, bawat segundo sa loob ng kwartong ’yon ay parang may sariling romantic suspense.Si Sir Zack naupo sa likod ng desk, tahimik, nakatutok sa laptop. May mga papel na nakahilera, evaluation forms, schedules, attendance sheet. Parang
Read more