Masaya akong naglalakad ngayon habang pauwi, bitbit ko ang mga pagkain na binili ko kanina. Nakatira lamang kami sa isang masikip na lugar.Napakaraming tao at madumi, pero hindi ko kinakahiya ang lugar na pinagmulan ko dahil dito ako ipinanganak at lumaki.Nagtatrabaho ako sa isang sikat na resto; mabuti naman ang pakikitungo sa akin ng boss ko at ng mga katrabaho ko.Kapag umuuwi talaga ako, may dalang pagkain para kina mama at papa. Nag-iisa lang akong anak nila; wala silang trabaho kaya ako ang bumubuhay sa kanila.Ayaw ko namang mahirapan sila, tsaka matanda na sila, kaya dapat ako ang mag-alaga at maghanap ng pera para makakain sila.Kahit ganito ang pamilya namin at pamumuhay namin, naging masaya naman ako. Nabibili ko sila ng masasarap na pagkain at si papa naman ay naibibili ko ng gamot niya."Magandang gabi po," bati ko sa kanila ng makauwi ako.Simple lang ang bahay namin, kasya lang kaming tatlo, at may sarili din akong kwarto. Pagka-uwi ko, nakita kong nag-uusap sila ni ma
Read more