BOOK2 CHAPTER 273RD POV "Mom.." Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina, nasa eroplano na siya at nasa tabi niya si Nadine, habang si Lucy ay nasa likuran nila. Hindi niya mapigilan na magtaka, dahil sa ginagawa ni Nadine, para kasi itong hindi tomboy, lalo na kapag aasarin nito ni Lucy. "Kasama mo ba talaga si Lucy?" Tanong nito sa kanya, habang tumango siya, kahit alam niyang hindi ito nakikita ng kanyang ina. "Bakit mo ba siya sinama? Hindi mo ba alam na hinahanap siya ng asawa niya, at gusto ko sana siyang pabalikin sa hotel." Malalim siyang na-pahinga, dahil sa narinig niya mula rito. "Ayaw na niyang pumasok sa hotel Mom," sagot niya habang napansin niya na na tahimik ang kanyang ina, sa kabilang linya. "Anong ayaw?" "'Yon ang sabi niya Mom, ayaw na niyang magtrabaho." "Alam mong hindi pwede ang gusto niya," madiin na wika nito. "Ibigay mo sa kanya, ang phone dahil gusto ko siyang makausap." Utos sa kanya ng kanyang ina, kaya napalingon siya kay Nad
Última atualização : 2026-01-11 Ler mais