BOOK3 CHAPTER 73RD POV Na-patngin si Stephen sa kanyang phone ng tumunog ito. Nang makita niyang si Julia, ang tumawag ay agad niya itong sinagot. "Mahal ko, busy kaba?" Tanong nito, habang sumandal siya sa kanyang upuan, "Hindi, bakit Mahal ko?" tanong niya rito. "Gusto ko kasing magpaalam sa 'yo." Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. "Magpaalam? Bakit? Saan kaba pupunta?" "May business trip kasi kami at biglaan," sagot nito, kaya hindi niya mapigilan na makaramdam nang lungkot, dahil gusto niya itong makasama at simula pag-gising niya ay hindi na niya ito nakikita. "Ikaw na rin sana ang bahala sa Anak natin, sana pagpasensyahan mo rin siya, alam mo naman na medyo matigas din ang ulo ng batang 'yon." Napangiti siya, dahil sa narinig niya mula rito. "'Wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa kanya, gusto ko sanang sumunod sa inyo, pero tambak pa ang trabaho ko." "'Wag na Mahal ko, naintindihan naman kita, at uuwi rin ako kapag tapos na ang lahat ng me
Last Updated : 2026-01-16 Read more