UJ CHAPTER 563RD POV “John!” Malakas na sigaw ni Annika, habang buhat niya si Simon.“John!” Muling sigaw ni Annika, habang hindi na nito napigilan pa ang mapa-iyak, dahil sa takot. “Anong nangyari?” Tanong sa kanya ni John, habang kinuha sa kanyang bisig ang bata. “Hindi ko alam, basta nalang siyang namula.” Iyak na wika ni Annika, habang niyakap ang isang bata. “Ihanda n'yo ang kotse!” Sigaw ni John sa mga tauhan nito. Nang makapasok sa kotse, ay hindi pa rin mapigilan ni Annika ang umiyak, panay rin ang pagsisisi niya sa kanyang sarili, dahil sa nangyari. Pakiramdam niya ay wala talaga siyang kwenta. “Tama na ‘yan, kung maka-iyak ka, daig mo pa ang ina.” Natigilan si Annika, dahil sa narinig niya mula kay John.“Mukhang may allergy lang siya, kaya ‘wag ka nang matakot, mabilis lang magamot ‘yon.” Muling wika nito, habang hinawakan ang kanyang isang kamay. “John, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kapag may mangyayaring masama sa kanya.” Hikbing wika niya rito. Hindi rin
Última atualização : 2025-12-15 Ler mais