UJ CHAPTER 323RD POV Mabilis na naglandas ang mga luha ni Annika, habang nakatanaw sa likod ni John, dahil basta nalang siya nitong tinalikuran. Mabilis siyang umakyat sa kanyang silid at hindi napigilan ni Annika, na ibato sa sahig ang kanyang mga unan. Hinubad din niya ang kanyang damit at tinapon ito. ‘Dapat pala hindi nalang ako bumili nito!’ Hikbi niyang wika at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang unan. “Ma'am Annika!” Tawag ng katulong sa kanya, habang kinakatok nito ang pinto. Agad na tumayo si Annika, habang kinuha ang kanyang bathrobe. “Bakit?” Tanong niya rito, matapos niyang buksan ang pinto.“Magbihis daw po kayo, sabi ni Sir John.” Napa-kunot ang noo ni Annika, dahil sa sinabi nito. “Sabihin mo sa kanya, nagbihis na ako.” “Aalis daw po kayo Ma'am.” “Aalis?” Nakaramdam siya ng saya, dahil sa kanyang narinig. “Bakit, umalis na ba si Madeline?” Tanong niya, habang may ngiti sa labi. “Hindi po Ma'am, kasama po siya ni Sir, na naghihintay sa ‘yo sa baba.” Nawal
Última atualização : 2025-12-06 Ler mais