UJ CHAPTER 47 3RD POV “Sumama kana sa akin!” Galit na sigaw sa kanya ni John. “Bitawan mo nga ako, dahil wala kang karapatan na gawin ‘to sa akin!” Sigaw niya rito, habang binigay ang dalawang bata kay Samuel. Iniiwasan niya na maghinala ito sa mga batang hawak niya. “Daddy..” Iyak na wika ng dalawa, kaya natigilan si John at napatingin muli kay Samuel. “Bitawan mo na ang asawa ko.” Gulat siyang napalingon kay Samuel, dahil sa sinabi nito. “Asawa?” Kunot-noo na sambit ni John. “Oo, asawa ko siya, kaya kung ako sa ‘yo binatawan mo na siya, kung ayaw mong magka-problema tayo.” Nailing si John, dahil sa kanyang narinig mula rito. “Alam mo, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, na kahit asawa ka pa ni Annika, ay wala ka pa ring karapatan sa kanya, dahil uncle niya ako.” Gulat na napatingin si Samuel sa kanya, dahil sa narinig nito, mula kay John. “Uncle? ‘Wag mong bilugin ang ulo ko.” “Itanong mo kay Annika, kung sino talaga ako sa buhay niya.” Muling wika ni John, habang maluha-luha n
Última atualização : 2025-12-12 Ler mais