"Raz, please. Makinig ka muna," mahinahon kong sabi habang hinahawakan ang kaniyang kamay para kumbinsihin pa siya lalo. "Business ito, okay? Kung sasama ka ngayon, hindi ako papayag."Isa pa, gusto ko munang mag-isip-isip tungkol sa sitwasyon namin. Biglaan lahat masyado… at feeling ko, masyadong napabilis. Kung sasama siya, paano pa ako n'un makakapag-isip? Baka mamaya, pagtatalik lang din ang gawin namin buong magdamag!"I don't like the idea of you being away from me, Sam. Especially not when you're feeling unwell.""I'll be fine. Kasama ko naman si Lando,” sabi ko sabay sulyap sa traydor kong kaibigan na ngayon ay mukhang guilty na ewan. "Ayusin mo na muna ang dapat mong ayusin dito. Pagkatapos, kung gusto mo talaga, sunod ka sa Montenegro.""Two days," mariin niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. "Give me two days to settle everything here and talk to Georgina properly. Then I'm coming for you. No more excuses."Georgina… isa pa ’yan."Okay, two days," pagsuko ko.Hindi n
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-03 Mehr lesen