"Sam, kumain ka na. Tunaw na 'yung omelette mo kakatitig mo sa pinto," puna ni Lando nang mapansin ko ang paninitig ko sa wala ng pigura ng dalawa. "Naririnig mo ba 'yung sinabi niya, Lando? Bakery... he's remembering," mahina kong sabi, bakas ang panginginig ng boses ko. "O baka naman nakita niya lang sa profile mo o may nagsabi sa kaniya? Sam, focus. We're here for the Swiss Tech Global conference. Hindi tayo narito para sa 'Trip Down Memory Lane' ng Raz na ’yun,” paalala niya habang hinihiwa ang steak niya. Sa sinabi niyang ito ay medyo natauhan ako. Tama siya. Ang pinunta nga namin dito ay para makapagpahinga pagkatapos ng trabaho, pero hindi naman ako nakapagpahinga. Kung tutuusin ay lagi akong lutang dahil kay Raz. "Sam, kain na,” huling paalala ni Lando nang muntik na naman lumipad ang utak ko. Buti na lang at puno ang schedule namin ngayon ni Lando. Mula sa pagbisita sa mga potential partners hanggang sa pagdalo sa mga seminars tungkol sa sustainable hospitality. Pero
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-31 Mehr lesen