"And for the record, Architect," dagdag ko, pilit na pinapanatiling mahina ang boses ko kahit na gusto ko nang sumigaw sa inis. "Wala akong pakialam kung anong gusto mong ipakita kay Architect Monica. Kung kailangan mo ng props para sa kung ano mang laro niyo, huwag mo na akong idamay." Napatitig siya sa akin, sunod ay bahagyang kumunot ang noo na para bang hindi niya inaasahan ang talas ng sagot ko. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa ganoong klaseng rason. Pwes, nagkakamali siya! "Props? You think I'm using you to make her jealous?" tanong niya, may bahid ng amusement ang tono na mas lalo kong ikinairita. "Bakit, hindi ba?" hamon ko. "Kung tungkol lang naman ito sa pagiging 'mentor' mo, hindi mo na kailangang mag-effort na magpadala ng email sa akin. I can handle my plates, Architect. Three years na akong nabubuhay sa Architecture nang wala ka, kaya ko itong tapusin nang wala ang tulong mo." Nanahimik siya. Ibinaling niya ang tingin sa plates ko at dahan-dahang kinuha ang
Last Updated : 2026-03-08 Read more