Tumayo na ako sa kinauupuan at lumapit sa kaniyang lamesa. "Um… Sir, kanina pa kayo type nang type d'yan. Baka gusto n'yo ng kape? Pampawala lang ng yamot," mahina at nahihiya kong alok. Wala, e. Hindi na talaga ako mapakali sa lamesa kong iyon. Kanina pa ako nakaupo ro’n tapos wala namang ginagawa. “I don’t usually drink coffee, if you didn’t notice earlier during breakfast… but yeah. Make me one,” tugon niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop. Yes! Sa wakas, may pagkakaabalahan na rin! “Right away, Boss!” masigla kong sabi bago lumabas ng opisina. Pagkarating ko sa pantry ay nadatnan ko roon si Marga, kasama si Molina na kapareho namin ng departamento. "Finally, lumabas ka na rin!" salubong sa akin ni Marga. "Oh, Sam? Kanina ka pa namin gustong makausap," sabat naman ni Molina. They are best of friends.. Isa rin sila sa pinakamatagal nang empleyado dito. Si Marga, aminado ako, minsan ay medyo may pagka-maldita ang dating niya, pero tingin ko nama'y mabait s
Last Updated : 2025-11-14 Read more