Dahan-dahang lumapit sa amin ang kaniyang tatlong kapatid na sina Rachelle, Mich, at Zamuel, na para bang hindi na bago sa kanila ang ganitong pabigla-biglang mood swing ng kuya nila."Happy birthday, Kuya!" masayang bati ni Rachelle, bakas ang pag-aalinlangan sa boses niya."Happy birthday, Kuya namin," segunda naman ni Mich habang nakatingin sa aming magkahawak-kamay na dalawa.Isang marahas na pagsinghap lang ang itinugon sa kanila ni Raz, halatang pilit na kinakalma ang sarili. Nakita ko ang mapanuksong ngisi na sumilay sa labi ni Zamuel bago ito humakbang palapit sa amin."Ow... looks like we interrupted something very important, didn't we?" kantyaw ni Zamuel sabay sulyap sa akin na namumula na ng husto ang pisngi. "Masyado ba kaming napaaga, Kuya?""Shut up, Zamuel!" asik ni Raz. Binalaling niya ang kaniyang atensyon sa Mommy Scarlet nila na naghihintay ng paliwanag. "Thanks for this surprise, Mommy. I appreciate it and obviously, we were surprised, but we need to sleep now. Pag
Last Updated : 2025-12-27 Read more