Tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Ang ingay ng mga printer at keyboard ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Ramdam ko ang pang-uusisa at mapanghusgang tingin na ipinupukol sa akin ng mga dati kong kasamahan sa Marketing Team. Sariwa pa sa isip ko kung paano ako hiyain ni Raz sa harap nila nitong nakaraang araw dahil sa isang typo, bago niya ako tuluyang sinibak bilang Junior Marketing Designer. At ngayon, heto ako, bumalik sa mismong floor kung saan ako nalumbay, pero sa pagkakataong ito ay hawak na ng nagsisante sa akin ang kamay ko."I know my presence here this morning, especially being late, has raised some eyebrows," panimula ni Raz sa kaniyang baritono at awtoridad na boses. "But more than that, I am here to clarify the status of my new Personal Secretary, Ms. Samantha Ion De Miranta."Narinig ko ang mahinang singhap ni Marga mula sa kaniyang desk. Si Marga, na akala ko ay kaibigan ko na rito, pero inakusahan akong sinindikato si Raz. Ngayon naman, ang mga mata
Last Updated : 2025-12-25 Read more