Share

Kabanata 61

Author: HANIFAH
last update Last Updated: 2026-01-07 20:34:40

Pakiramdam ko'y tumagal ng ilang oras ang pagbulusok namin ni Ethan patungo sa kailaliman ng bangin. Akala ko ay tuluyan na kaming nahulog sa matitigas na bato sa ibaba, ngunit sumabit ang mga katawan namin sa mga masukal na baging at sanga ng mga puno na nakakapit sa gilid ng matarik na dalisdis.

Tumunog ang sanga nang sinubukan kong gumalaw, kasabay n'un ay ang konting pagkirot ng likuran ko. Napatili na lang ako nang sumunod na nangyari ay bumagsak kami sa isang nakaungos na bahagi ng lupa, isang terrace sa gitna ng bangin na natatakpan ng makakapal na halaman.

Bumulagta ako sa malamig at basang lupa. Hirap akong huminga, bawat langhap ko ay may kasamang lasa ng bakal at alikabok. Sa tabi ko ay nakita ko si Ethan. Nakadapa siya, ang kanang binti niya ay nakapilipit sa paraang hindi natural, at ang kaninang hawak niyang baril ay tumalsik sa kung saan.

"Sam..." hirap niyang tawag.

Pinilit kong tumayo palayo sa kaniya kahit nanginginig ang tuhod ko. Ang suot kong puting silk dress ay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 65

    Mabilis na kinuha ni Gino ang phone niya at may idiniyal. "I'll send the marriage certificate to Raz. I want to see his heart break in real-time.”Isang malademonyong ngisi ang gumuhit sa mga labi niya habang mabilis na kinukunan ng litrato ang marriage certificate na may sariwa pang selyo at pirma ko. Narinig ko ang mahinang click ng camera, indikasyon na kinuhanan nga niya ’yun ng litrato."Done," aniya, ang boses ay puno ng tagumpay. "Imagine the look on his face, Sam. I wonder if he’ll still want to rescue you after knowing I've already claimed you as my wife.”"Wala kang puso," nagngitngit kong sabi, ang boses ko ay halos maglaho dahil sa paghikbi. "Nakuha mo na ang gusto mo. Legal na ang lahat. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin?"Ibinulsa niya ang phone niya at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin, sa tabi ng kalawanging tubo. Ang judge at ang dalawa nitong kasama ay tahimik na lumabas ng bodega, iniwan kaming dalawa. Walang Raz na dumating at walang himalang nangyari. "An

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 64

    Dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng bodega, niluluwa ang tatlong lalaking naka-suit at may dalang mga dokumento. Tumingin si Gino sa akin at pagkatapos ay sa mga lalaki, isang tagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi niya."Let's begin," wika niya habang hinahawakan ang malamig kong kamay sa harap ng huwad na judge.Naramdaman ko ang pagguho ng huling piraso ng pinanghahawakan kong pag-asa. Walang Raz na darating... wala ring pulis na magrerescue sa akin. Ang tanging naririto ay ang demonyong si Gino na handa nang angkinin ang buong pagkatao ko sa ilalim ng batas na binayaran lang niya."Samantha..." tawag sa akin ni Gino, ang boses ay puno ng panunuya. "Say 'I do', or I'll make sure the first thing my men do after this is to find Raz and finish him off before he even reaches the gate."Tumingin ako sa pintuan, nagdarasal pa rin ng isang himala, pero ang tanging nakita ko ay ang paglapit ng lalaking may hawak na bibliya at mga papel.Pakiramdam ko'y lalong bumigat ang hangin s

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 63

    "Checkmate," bulong ni Gino habang nakatingin pa rin sa screen, pero ang suot niyang ngisi ay unt-unting nawala at napalitan ng isang mapanganib na pananahimik."Bakit?" pilit kong tanong kahit hirap pa rin ako sa paghinga, ang bawat salita ko ay parang may kasamang bubog sa lalamunan ko. "A-anong nangyari?"Nalipat ang tingin ko sa laptop nang dahan-dahan niyang iniharap sa akin ito. Reply ni Raz sa kaniya ang bumungad sa akin sa screen, isang lumang dokumento na may lagda ni Gino at ni Ethan, kasama ang isang bank statement na nagpapakita ng lahat ng transaksyong ginawa nila simula nang itago nila ako. At sa ilalim niyon ay isang maikling mensahe: 'Every cent I give you is a tracker, Gino. I don’t buy what I can take back for free. Keep the five billion. You’ll need it for your funeral.'"He's playing with me!" sigaw bigla ni Gino, marahas na hinampas ang mesa, dahilan para tumalbog ang laptop. "He thinks he can track the wire transfer?! He thinks he can threaten me in my own terri

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 62

    Nagising ako sa gitna ng isang madilim at maalikabok na bodega. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang sikat ng buwan na tumatagos sa butas-butas na bubong at ang asul na liwanag mula sa laptop na nasa harap ni Gino. Ramdam ko ang hapdi ng pagkakatali ng mga kamay ko sa isang kalawanging tubo. Tuyot ang lalamunan ko, at ang buong katawan ko ay parang binugbog sa tindi ng sakit."Five billion?" Isang marahas na mura ang kumawala sa bibig ni Gino. "Fvck that bastard! Five billion lang ang kaya niya? Ano ako, hangal?! Does he think your life is that cheap, Samantha?"Hindi ako umimik. Nanatili akong tulala sa kaniya habang ang mga luha ko ay tuyo na sa mga pisngi ko. Wala na akong lakas para sumigaw o magmakaawa. Sa loob ng halos dalawang taon, akala ko ay nahanap ko na ang kapayapaan sa piling ni Ethan, pero isa lang pala itong mahabang bangungot na pinagtulungan nilang magkapatid. Ngayong wala na si Ethan, ang natitirang demonyo sa harap ko ay mas mapanganib dahil pera na lamang ang

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 61

    Pakiramdam ko'y tumagal ng ilang oras ang pagbulusok namin ni Ethan patungo sa kailaliman ng bangin. Akala ko ay tuluyan na kaming nahulog sa matitigas na bato sa ibaba, ngunit sumabit ang mga katawan namin sa mga masukal na baging at sanga ng mga puno na nakakapit sa gilid ng matarik na dalisdis.Tumunog ang sanga nang sinubukan kong gumalaw, kasabay n'un ay ang konting pagkirot ng likuran ko. Napatili na lang ako nang sumunod na nangyari ay bumagsak kami sa isang nakaungos na bahagi ng lupa, isang terrace sa gitna ng bangin na natatakpan ng makakapal na halaman.Bumulagta ako sa malamig at basang lupa. Hirap akong huminga, bawat langhap ko ay may kasamang lasa ng bakal at alikabok. Sa tabi ko ay nakita ko si Ethan. Nakadapa siya, ang kanang binti niya ay nakapilipit sa paraang hindi natural, at ang kaninang hawak niyang baril ay tumalsik sa kung saan."Sam..." hirap niyang tawag. Pinilit kong tumayo palayo sa kaniya kahit nanginginig ang tuhod ko. Ang suot kong puting silk dress ay

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 60

    Isang sikretong lagusan ang kinaroroonan namin. Madilim, amoy amag, at tila walang katapusan ang kipot ng bawat sulok nito. Habang hinihila ako ng magkapatid, ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat naming paghinga at ang kalansing ng mga armas na dala ng mga tauhan ni Gino. "Dalian niyo! We don't have all night!" utos ni Ethan. Lumabas kami sa isang sementadong bunker na nakatago sa gitna ng masukal na bahagi ng kagubatan, malayo sa mismong rest house. Doon ay naghihintay ang isang itim na van na walang plaka. Agad akong isinakay sa gitna nito, sa pagitan nina Ethan at Gino."You’re shaking, Sam," ani Ethan, pilit na inaabot ang kamay ko. "Don't be scared. This is just for a while. We’ll be in the city in no time, and then we’re flying out to where no Alcantara can ever touch you again."Nandidiri kong binawi ang kamay ko at isiniksik ang sarili ko palayo sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan! You’re both sick! How could you even look at me with those eyes, Ethan? Lahat ng pag-aalag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status