"ARE you really sure you don't need my help, Isla? I can help you with anything if you want." Pang-sampung beses na atang tanong sa akin ni Jago habang pinapanood ako nitong maghiwa ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam kaya naman napatingin na ako sa kaniya at hininto ko muna ang paghihiwa ko sa mga gulay na gagamitin ko. "Relax ka lang, okay? Ako naman ang bahala sa tanghalian natin ngayon." Pagpapakalma ko kay Jago dahil kanina pa ito hindi mapakali sa harapan ko. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga hinihiwa kong gulat at tinuloy ko na ulit ang paghihiwa ko. "Ako na lang kaya ang maghiwa ng mga 'yan? Baka kasi masugatan mo na naman 'yang isa sa mga daliri mo, Isla..." Pag-aalok ni Jago ng tulong sa akin kaya naman pabagsak kong inilapag ang kutsilyo sa cutting board dahil nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya kakasalita niya habang naghihiwa ako. "S-sabi ko nga, kaya mo na 'yan." "Nasugatan ko lang yung sarili ko kaninang madaling araw habang nagbabalat ak
Last Updated : 2025-11-30 Read more