MAGNUS POV.6 years later…..“Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday, To you!” sabay sabay ang kanta naming lahat ng happy birthday habang hinihipan ni Maveline ang candle sa cake niya.She’s seven years old now, and she’s wearing a gown na gawa ng mommy niya. Gusto niya raw iyong magmumukha siyang si Cinderella, at talaga namang tinupad iyon ng mahal kong asawa.Kumpleto kami sa sa bahay, dito na rin namin ginawa sa garden ang birthday ni Maveline, sa tagal rin ng panahon na lumipas ay napalawak pa namin ang buong bahay kasama na itong garden.Si Lola baby, nakawheel chair na lang siya at tuluyan ngang nagka Alzheimer, hindi niya maalala ang kahit sino samin maliban kay Maveline. Hindi na ‘to tulad noon na nakuha niyang magpanggap, ngayon… totoo na talaga.Minsan ayaw ni Lola baby na lumalapit kami sakaniya, pero pag nandyan na si Maveline ay tuwang tuwa ito, pero ang tawag niya kay Maveline ay Eveline. Sapat na kay Eve na naaalala siya ng lola niya sa pamamagitan ni Mavelin
Last Updated : 2026-02-03 Read more