Nalula ako sa laki ng bahay ng nila Franlester, kumbaga malaki na yung bahay namin, pero mas malaki itong sakanila. "Di mo naman sinabi na prinsipe ka pala?" natatawa kong bulong kay Franlester "What do you mean?" tanong nito "Para kasing castle ang bahay nyo" saad ko pa "Bahagya lang naman tong lumaki sa bahay nyo, edi ikaw ang prinsesa sainyo?" natatawa naman niyang tugon sakin kaya bahagya ko itong siniko. "Mabuti na lang pala at nagpaluto kami ng Papa mo, hindi ko akalain na may girlfriend ka na." masayang turan ng Mama ni Franlester. "Oh by the way hija, you can call me Mama Zey okay? and as for Lester's Dad, call him Papa Jerome." nakangiting sabi ni Mama Zey at bahagya pang inayos ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Biglang may kung anong init na humaplos sa dibdib ko kaya naman napangiti ako, parang sina mom and dad lang sila, for sure pag nagkakilala sila mag kakasundo sila "Thank you for inviting us here, Ma. Pa." wala nanamang ganang sabad ni Franlester
Last Updated : 2026-02-27 Read more