Huminto ang armored van sa harap ng private hospital ni Zaitan na tulad noong una ko itong makita ay mukhang ordinaryong clinic lang sa labas, "Clear the hallway! Critical patient coming through!" sigaw ng head doctor na sumalubong sa amin. Si Doc Sy.Mabilis nilang itinakbo ang stretcher ni Zaitan patungo sa Operating Room. Habang mabilis silang naglalakad, hindi ko binitawan ang kamay ni Zaitan hanggang sa huling sandali bago sumara ang malaking double doors ng OR."Zaitan..." bulong ko, naiwang nakatitig sa pulang ilaw na nagsasabing In Operation."Ate, upo muna tayo," yaya ni Kairo. Inakay niya ako papunta sa mga steel chairs sa waiting area.Umupo ako, pero nanatiling tuwid ang likod ko. Hindi ko magawang sumandal. Pakiramdam ko, kapag naging kampante ako, baka biglang tumigil ang mundo. Napatingin ako sa suot kong damit—puno pa rin ng tuyong dugo ni Zaitan. Ang amoy ng pulbura at bakal ay tila nakadikit na sa balat ko."Madam, may mga damit po rito at pagkain. Kairo, sumama ka
Read more