"Sabihin mo sa Senador mo," malamig na tugon ni Zaitan, humakbang siya ng isang beses palapit sa gate, sapat para mapilitan si Atty. Mendoza na dahan-dahang mapa-atras. "Hindi ako ang nagsimula ng larong ito. Ang anak niya ang lumapit sa pamilya ko. Ang anak niya ang nambulahaw sa katahimikan ng asawa ko na kasalukuyang nagdadalantao. I built this sanctuary to be left alone, Attorney. Pero kung sa tingin ng Senador ay maaari niyang gamitin ang kaniyang posisyon sa gobyerno para tapakan ang pamilya ko... sabihin mo sa kaniya, subukan niya."Tinitigan ni Zaitan ang abogado sa mga mata, ang kaniyang boses ay bumaba sa isang tonong puno ng panganib. "I may have left the corporate jungle of Manila, but I haven't forgotten how to destroy a politician's career overnight. Isang maling galaw ng pamilya niyo sa asawa at anak ko, at sisiguraduhin kong ang lahat ng nakatagong dumi, korapsyon, at sikreto ng Senador ay lalabas sa media bago sumapit ang bukas ng umaga. I can strip him of his power,
Read more