Pagsapit ng alas-sais ng gabi, unti-unti nang nagbago ang kulay ng langit. Mula sa maliwanag na asul ay naging malalim itong orange at purple, hudyat na dahan-dahan nang lumubog ang araw sa likod ng mga bundok sa probinsya. Ang mga lampara sa paligid ng yarda ay binuksan na rin ni Kairo, nagbibigay ng mainit at cozy na liwanag sa mahabang mesa kung saan patuloy pa ring nagtatawanan ang lahat.Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng masayang kwentuhan. Si Santos ay kasalukuyang ginagaya kung paano raw nataranta si Vargas noong nakaraang linggo nang akalain nitong may magnanakaw sa likod-bahay, na baka raw espiya ng mga Sancianco, pero pag-check gamit ang flashlight ay pusa lang pala na nahulog sa basurahan."Seryoso, Ma'am Faith! Kung nakita mo lang ang mukha ni Vargas, naka-full tactical gear siya, may hawak na night-vision goggle, tapos ang kalaban... pusa lang pala!" tawang-tawang kwento ni Santos habang hinahampas ang lamesa."Hoy, naninigurado lang ako! Security protocol ’yun!" dep
더 보기