"Everything will be alright," sabi ni Clifford habang hawak ang kamay ni Katrina, nasa labas sila ng operating room, nang mga oras na iyon ay inooperahan ang kanyang lola. Kinakabahan siya sa resulta ng operasyon nito. Tumingin siya dito pagkuwa’y humilig sa balikat ng kabiyak. "Paano kung hindi maging maganda ang operasyon? Paano kung hindi kayanin ng puso niya ang liver transplant, paano kung mawala siya? Paano na ako? Maiiwan na ako?" nag uumpisa na siyang magpanic sa mga naiisip, naramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap. "Shh, don't worry, Rina. Lola Minda will pull through this, okay?” Pagpapalakas nito ng loob niya. "Come, on, let’s keep praying, okay?" Patuloy nito, tumango siya. Her gaze drifted to Clifford, his head humbly bowed in prayer, and her heart started racing as she thought, she's incredibly lucky to have him in her life. God, I love this man, Clifford was the very first man she fell in love with, at ngayon na mag asawa na sila, ramdam niya ang suporta
Read more