Sa aking mga minamahal na mambabasa,Habang itinatype ko ang mga huling salita para sa unang yugto ng nobelang ito, hindi ko mapigilang maging emosyonal. Nagsimula ang kwentong ito bilang isang maliit na ideya sa aking isipan—isang pangarap na makabuo ng isang mundong puno ng pagnanasa, panganib, at wagas na pag-ibig. Ngunit ang munting pangarap na iyon ay hindi magiging isang ganap na obra kung wala ang inyong suporta, pagtitiwala, at walang sawang pagsubaybay sa bawat kabanata.Gusto kong magpasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso. Sa inyong bawat pag-click, pag-comment, at pag-vote lalong lalo na sa pagbibigay niyo ng gifts o gems, maraming salamat. Ang bawat reaksyon ninyo, mapa-kilig man, galit, o pagkagulat, ang siyang nagsilbing gasolina ko upang ipagpatuloy ang pagsusulat kahit sa mga gabing tila tuyo ang aking imahinasyon. Kayo ang dahilan kung bakit nabigyang-buhay sina Paola at Kristoff. Kayo ang saksi sa kanilang
Terakhir Diperbarui : 2025-12-31 Baca selengkapnya