Mahigpit ang hawak ni William sa manibela habang mabilis na umaandar ang sasakyan. Tahimik ang loob, pero ramdam ang bigat ng hangin. Nasa passenger seat si Jack, habang may dalawang sasakyan pang sumusunod sa kanila. “Sigurado ka bang dito ’yung location, boss?” tanong ni Jack, nakatingin sa phone. “Dito ’yon,” mariing sagot ni William. “Kakabigay lang niya ng live location.” Mas lalo niyang inapakan ang silinyador. Ilang minuto pa, huminto ang convoy sa isang bakanteng lugar. Isang lumang bahay ang nakatayo sa gitna—madilim, tahimik, at walang katao-tao. Isa-isang bumaba ang mga tauhan. “Palibutan niyo,” utos ni William. Tahimik na kumilos ang mga lalaki, mabilis na pumwesto sa paligid ng bahay. Huminga nang malalim si William bago tumingin kay Jack. “Sa likod ka.” Tumango ito. Dahan-dahang lumapit si William sa pintuan. Saglit siyang huminto, saka mariing sinipa ito. Bumukas ang pinto. “Reign!” sigaw niya habang pumasok. — Sa loob… Nakaupo si Reign sa kama, nakatali
Read more