“Putáng ína!” malutong na mura ni Michael. Napahawak siya sa ulo at napaupo sa sahig. “Dad, ano ’to?!” basag ang boses na sigaw niya. “Bakit mo pa ako pinilit pakasalan ang babaeng ’yan kung gagawin niyo naman ’to!” sigaw niya. Ngumisi lang ang ama niya, saka nagsuot ng robe. “Don’t be serious, son. We’re just having fun here,” seryosong sabi nito. “Tíkmân mo man lang kasi ang asawa mo. Halimaw ’yan sa kama. Promise, mag-e-enjoy ka. Proven and tested ko na ’yan,” dagdag nito, sabay palo sa púwét ni Cassandra. “Daddy!” malambing na angal ni Cassandra. Nagsuot na rin ito ng robe saka lumabas ng silid. “Ang sabi mo, magbabago ka na. Pero heto ka na naman! Pati si Tita Leona, sinasaktan mo na rin… tulad ng ginagawa mo noon kay Mommy!” Humalakhak lang ito na parang isang demonyo, saka tumayo at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Halimaw ka, Dad. Ha-li-maw ka!” mariing sabi ni Michael. “Hindi ba ito naman ang gusto mo?” nakangising sabi nito habang tinatapik ang balikat niya. “Gusto mo
続きを読む