GUSTONG paniwalaan ni Emil ang sinasabi ni Lea. Parang napakahirap niyon sa kanya, sa dami ng ginawa nito sa kanya. Sobrang labo na hahayaan na lang nito na maging masaya siya sa piling ni Leina.“Boss, andito po si Sir Victor… papasukin ko po ba?”Napatingin si Emil sa kanyang assistant.“Papasukin mo.”Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Victor, hawak ang ilang dokumento. Pagkakita niya sa mukha ng pinsan, agad niyang napansin na may problema.“Emil, ano’ng nangyari?”Umupo si Victor sa tapat niya.“May nagkausap na ba kayo ni Lea?”“Kagabi.”“About sa inyong dalawa?”Tumango si Emil.“Sabi niya, hindi niya ako pipigilan.”Napakunot ang noo ni Victor. Parang hindi siya makapaniwala na tatanggapin nang ganoon kabilis ni Lea ang pagkatalo. Sa ugali ni lea, parang napaka-imposible.“Hindi ka niya pipigilan?”“Ganoon ang sinabi niya.”Tahimik na tumingin si Victor sa pinsan.“Naniniwala ka ba?”Hindi agad sumagot si Emil.“Gusto kong maniwala.”“Pero?”“Pero kilala ko si
Read more