NANGHIHINA ang tuhod ni Leina na napaupo sa sopa. Hindi niya akalaing magagawa ng ina ang ganoong bagay, para lamang sa pagmamahal nito sa isang lalaki. Ngunit, parang hindi naman iyon tunay na pagmamahal. Dahil ang totoong pagmamahal ay hindi nanakit, hindi makasarili at hindi kayang pumatay ng ibang tao para lamang makuha ang taong minamahal. “Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mama,” mahina niyang sabi. Umupo si Emil sa tabi niya. “Hindi mo kailangang harapin siya ngayon.” “Pero kung siya nga ang may kagagawan sa pagkamatay ni Papa, hindi ko na siya kayang tingnan gaya ng dati.” Napayuko si Leina. Naalala niya ang mga panahong bata pa siya. Sa kabila ng pagiging mahigpit ni Lea, ina pa rin niya ito. May mga pagkakataong inakala niyang kahit anong mangyari, hindi siya kayang saktan ng sarili niyang ina. Pero ngayon, pati iyon ay kinukuwestiyon niya. “Emil, may ebidensya ka ba?” “May resulta ng pagsusuri. May mga bagay din kaming iniimbestigahan. Pero hindi pa sapat par
اقرأ المزيد