PANAY ang tingin ni Leina sa kanyang relo, exactly nine o’clock in the evening. Wala pa rin si Emil, hindi pa umuuwi ang asawa mula sa kompanya. Pasulyap-sulyap naman si Lea sa kanyang anak na hindi mapakali. Nakahanda na ang hapunan pero wala pa si Emil. “Leina, umupo ka muna kaya. Kanina ka pa hindi mapakali.” Napabaling ang tingin ni Leina sa ina. “Wala pa po Kasi si Emil. Hindi naman iyon ginagabi ng uwi. Ngayon lang. Hindi rin po tumawag na mala-late siya sa pag-uwi,” Hindi ito gawain ni Emil, ang ma-late ng uwi. Humugot ng malalim na hininga si Leina at muling sinilip ang gate ng mansyon mula sa malaking bintana. “Baka naman po naipit lang siya sa trabaho,” pagpapakalma ni Lea. “Siguro nga po...” mahinang tugon ni Leina, ngunit hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa kanyang mukha. Dinampot niya ang cellphone at mabilis na tinawagan ang asawa. Nag-ring iyon nang ilang beses, ngunit walang sumagot. Napakagat siya sa ibabang labi. “Hindi niya sinasagot...” bulong niya. “
Magbasa pa