NATIGILAN si Emil. Hindi siya nakasagot agad. Ibinalik niya ang tingin sa malayo, tila naghahanap ng tamang salitang sasabihin. "Oo, kakarating ko lang. Ayokong gisingin ka, nakita ko na masarap na ang tulog mo," paliwanag nito, ngunit may kakaibang bigat sa bawat katagang binibitawan. Tinitigan siya ni Leina nang maigi. Ang mga salita sa kanyang panaginip, ang paraan ng pagyakap nito sa kanya kanina, at ang pangakong narinig niya. Lahat ng iyon ay tila totoo at damang-dama pa rin niya. "Emil..." tawag niya ulit, mas malambot at puno ng pag-aalala. "Nanaginip ako kanina. O baka naman gising ako? Parang narinig kitang humihingi ng tawad. Parang naramdaman kong umiiyak ka." Nanigas si Emil. Unti-unting lumingon ito sa kanya, at sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, parang gumuho ang lahat ng pader na itinatayo nito. Nakita ni Leina ang takot na matagal na nitong itinatago. "May ginawa ba akong mali?" tanong ni Leina, at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa
Read more